Martes, Pebrero 28, 2012


         PILIPINAS:
 
Kinakaharap ngayon ng Pilipinas    ang mabilis na paglaki  ng populasyon. Ito ay ayon sa United Nations ’ Population Fund      na nagdeklarang apat na sanggol ang ipinapanganak sa bawat  minuto simula taong 2000.
Malaking problema ito para sa bansa, lalo na at ang sangkatlong (1/3)  bahagi ng populasyon ay kumikita lamang ng katumbas ng $1 bawat araw. Nangangahulugan ito ng kahirapan ng pamumuhay ayon sa World Bank.
Ayon sa direktor ng Philippine Population  Commission na si Tomas Osias, naniniwala siyang  bahagi ng solusyon ang pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa pagpaplano  ng pamilya, lalo na sa mahihirap. 
 
May kakulangan  din sa pagpapamudmod ng mga mumurahing contraceptive o mga artipsiyal na pamamaraan ng pagpipigil sa pagbubuntis.
  Noong 2003, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pagsuporta sa ryhthm method, isang uri ng pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya kung saan hindi magtatalik ang mag-asawa sa  panahon ng ovulation ng babae. Nagmungkahi rin ang ilang mambabatas   ng two-child policy upang solusyonan ang problema sa populasyon.
  Ayon naman sa Simbahang Katoliko Romano, mangangampanya sila laban sa sinumang pulitikong magtataguyod ng artipisyal na pamamaraan sa pagbubuntis.


                                   
                                              
                                        contraceptives

                                    

                             Gloria Macapagal Arroyo