Martes, Pebrero 28, 2012

                         vietnam:

 
Makikita sa mga bansang Buddhist, partikular sa Timog Silangang Asya, na hindi lamang personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon ng pangaraw-araw na pamumuhay.
Isang katibayan ng pagiging aktibo  ng mga  buddhist sa isyung pulitikal at panlipunan ay ang tanyag na pagsunog sa sarili (self-immolation) ng  mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong  1963.
 sa  mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niya ng alisin ng rehimen ang mga restriksyong ipinataw nito sa  mga Buddhist gaya ng  pagbabawal sa pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong  sa kanila. Sinasabing nag nasabing insidente ay lalong nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga naniniwala sa relihiyong ito.     

                                       
                                           
                                                       




                                                      Thich Quang Duc

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento